True Love Behind Wall (Completed-Under Revision)
12 parts Complete MatureLDR? Long distance relationship? Pag-usapan natin 'to ng totoo, sa sampung magkarelasyon na nag-LDR, apat lang yata ang nagtatagumpay. Pero paano pa kaya kung nagsimula ang inyong relasyon sa RPW (role play world)? Isang mundo kung saan lahat ng nakikita at nababasa mo ay maaaring hindi totoo. Isang pekeng mundo, pekeng account-isang totoong tao ang nasa likod ng profile picture mo pero bawal malaman ninuman dahil sa "golden rule" na bawal malaman ang totoong identity.
Pero paano kung sa mundong 'yan mo makikilala ang taong mamahalin mo? Hahantong ka ba sa isang malaking pagsusugal para sa kaligayahan mo kahit may posibilidad kang masaktan ng husto? O pipigilan mo ang nararamdaman mo? At paano kung nasa delikadong sitwasyon ang buhay mo dahil sa inyong relasyon?