Noong ika-labinlimang siglo nang una itong mabuksan. Kambal na kapatid nitong ating mundo, iyon nga lang puno ng mahika at hindi pangkaraniwan.
Ito ay ang Alter World.
Dito, iyong makikita ang pinakamatindi mong imahinasyon na napupunta sa pagkabuhay.
Sa maberde nitong kapatagan,
Sa mabato nitong bulubundukin,
Sa kailaliman ng karagatan,
At sa katayugan ng kalangitan.
Ngunit, kahit gaano kagusto ng mga tao ang mapunta rito, ang Alter World ay sadyang mapili kung sino lamang ang papasukin nito. Makakatapak ka lang sa lugar na puno ng mahika kapag natugunan mo ang tatlong kinakailangan.
Una, ang bloodline. Pribiliheyo sa sangkatauhan ngayong mga araw. Ito ay magsisilbing susi mo para makapasok sa kalinlangan o maze para masubok ang imahinasyon mo at katapangan.
Pangalawa, ang imahinasyon. Pwede ring matawag na mas higit sa kaalaman. Sinumang pumasok sa kalinlingan ay kailangang magkaroon ng pinakamatindi nito kung gusto niyang makalabas sa mapanlinlang na lugar at masapit ang Alter World.
Pangatlo at ang panghuli, ang katapangan. Huwag kang magpadaig sa takot mo at baka hindi ka na makakatapak sa Alter World. At iyon ay panghabambuhay na.
Ngunit, dahilan sa nagdaan na ang mga panahon, ang bloodline ay mahirap nang kilalanin.
Kaya may engkantasyong binitiwan sa mundo.
Titipunin nito ang mga may karapatan lamang.
Kung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo?
Ito ay kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na sabay na makakapasok sa loob ng librong "Ang Misteryong Alamat".
Ang Misteryong Alamat ay sumasagisag sa isang babae na pinagkalooban ng iba't ibang kapangyarihan matapos siyang italaga bilang Hirang ng isa sa apat na bathaluman na nangangalaga sa daigdig ng Misala. Nakuha niya ang kanyang tatlong kahilingan matapos niyang matipon ang pitong tagapagtanggol at matagumpay na matawag ang bathaluman.
Subalit ang Misteryong Alamat ay isang orasyon. At kung sino man ang babae na makapagbasa ng libro ay hihirangin at mabibiyayaan na katulad ng babae sa misteryong alamat. Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang bawat tauhan.