Ikaw...ako...sa istoryang bubuin nating dalawa.
Noong una ilangan ang namamagitan sa ating dalawa, pero kasabay sa paglipas ng araw, buwan at taon, ang lahat ng ito'y napalitan ng saya, tuwa at pagmamahalang umaasang hahantong sa panghabuhay na pagsasama.
Ngunit sa isang pangyayaring hindi ko lubos maisip bakit mo nagawa, ang pag-asang pinanghawakan ay tuluyan na nga bang isa walang bahala?
Kalimutan na raw kita sabi ng iba, ngunit kahit anong gawin ko'y hindi ko magawa.
At imbes na magalit, pangungulila sa iyong mga yakap ang siyang nanaig sa buong sistema.
Bakit tila sa kabila ng nagawa, ikaw pa rin ang hinahanap ng puso kong umaasa sa iyong pagbabalik.
Kaya noong napagtantong kung ayaw mong magpakita, ako na ang gagawa ng paraan para makasama ka.
Let my future spend with you, and also let me prove that I made the choice to chase and fight for our lovestory, My Danyie.
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fiction.)