
Isang hindi ordinaryong babae na nagagawa ang lahat ng kanyang gusto, at nakaDEPENDE ang buhay sa isang HALAMAN. Nagagawa nyang itigil ang oras at gawin lahat ng kanyang gusto. Pero kapag namulaklak na ang halaman na nagsisilbing battery nya, Dun na magtatapos ang buhay nya. Anim na buwan na lang at mamumulaklak na ang halaman. Pero pano kung sa loob ng anim na buwan na yun ay nagmahal sya sa isang ordinaryong lalake? Tapos, hindi sya mahal nito? Kaya magpapakadesperada na lang siya para makuha ang pagmamahal ng lalakeng yun gamit ang powers nya.. Pero pano kung hindi gumagana ang kanyang powers pagdating sa lalakeng yun? Dahil dun, makakalimutan na ba nya na anim na buwan nalang ang nalalabi sa kanya? Ano ang kaya niyang gawin para mapigilan ang pagkawala nya? Diba kaya nyang gawin ang lahat ng gusto niya ? Kaya nya kayang pigilan ang pamumulaklak ng halaman? o Magiging isang malungkot na ala-ala na lang sya sa mga taong nakakakilala sa kanya?All Rights Reserved