ON GOING. Kinailangang manirahan ni Isabel sa Daraga upang takbuhan ang kasalanang nagawa sa Manila. Sa pinakamatandang simbahan ng Daraga sila nanirahan ng kanyang Lola na matagal nang naglilingkod dito. Isang misteryosong pangyayari ang naganap, natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili sa nakaraan, sa taong 1813 hanggang 1814. Doon ay nakilala nya si Estanislao na may mahalagang gampanin sa buhay ng taong nagmamay-ari ng katawang gamit nya. Doon din ay nalaman nya ang ilang misteryong bumabalot sa kasaysayan ng matandang simbahan pati ng Bicol sa kabuuan na may kinalaman pala sa kasalukuyan, sa pinakabatang pari sa buong Albay na si Rev. Fr. Rex at sa kapatid nitong si Theo. Hindi malaman kung saan ba nabibilang ang puso, sa nakaraan o sa kasalukuyan? Paano kung dalawa sila? Highest Rank: #53 - Historical #34 - historicalfiction #2 - 19th Century #1 - pari