Sabi nila, "Isa sa pinakamasarap na parte ng buhay ng isang tao ay ang maramdaman niyang mayroong nagmamahal at tumatanggap sa kanya." Napakasarap nga naman maranasan ang ganitong bagay, ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay ang katumbas na sakit na napakahirap bigyan ng lunas. Ang iba ay hindi pa naguumpisa, pero lumuluha na agad. May ilan din na sisimulan palang sana, pero binasted agad. Ang ilan naman, nasimulan nga pero hindi rin nagtagal. At ang isa sa pinakamasaklap ay ang matagal na pinagsamahan pero nauwi rin sa hiwalayan. Sa kabila nito madami pa rin ang sumusubok kahit batid nila na sa bandang dulo, masasaktan lang sila. Ngunit paano mo ba ipagpapatuloy ang isang bagay na hindi mo alam kung may patutunguhan pa ba? Paano mo sasabihin na nasasaktan ka na kung ang kapalit nito ay ang paglayo ng taong mahal mo? Itatago nalang ba ang mga salita na patuloy na sumisigaw sa isip at sumasaksak sa puso mo?