Isang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang isang tao sa kaniyang minamahal. Isang tao na walang pakielam sa relasyong nasisira. Isang tagabuo at isang tagasira. Isang may paniniwala sa pagibig. At isang hindi naniniwala. Ito ay isang kwento ng dalawang tao na iba ang paniniwala. Paano kung magtagpo ang dalawa. May mababago ba sa paniniwala o patuloy parin sa pinaniniwalaan. 'MS. MATCHMAKER AND MR. HEARTBREAKER'