Isang disente at maayos na babae si Erin. Kailanman ay hindi siya naghinala sa asawa niyang si Syd. Bukod sa sobrang gwapo at maganda ang pangangatawan ng asawa ay mayaman ito. Kaya hindi na siya magtataka kung lapitin ito ng mga babae. Masaya siya sa pangangalaga ni Syd. Subalit hindi niya inaasahan na masisira ng ganon ang kanilang relasyon. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng bagay at wala siyang magawa upang mapigilan at ipagtanggol ang sarili niya.