Marie hated Jayden's guts and his abundant love for women. Hindi matatawaran ang dami ng babae ng binata. Kahit yata tingting na suotan ng palda ay papatusin ng lalaki. Maging siya ay hindi nito pinatawad sa hobby nito na lumandi. Mabuti na lang at immune na siya sa past time nitong iyon kaya madali lang niyang binabara ang mga banat nito. Ang hindi maintindihan ni Marie ay kung bakit labis ang inis na kanyang nararamdaman tuwing may babaeng lumalapit kay Jayden. What is happening to her? Allergy ba ito sa mga malalandi or she is already falling for his infinite charms?
More details