Hindi Maibaon Sa Limot
  • Reads 87
  • Votes 14
  • Parts 5
  • Reads 87
  • Votes 14
  • Parts 5
Ongoing, First published Aug 26, 2020
"No te resistas!" (Don't resist!) sigaw ng isang sundalong Espanyol. Hinila ng isang sundalo si ama habang tinutukan niya ng baril si Neneng. Pilit Kong pinigilan ang mga luha sa aking mga mata. Ngunit ako'y nabigo. 
 
"Quieres ir en contra de la ley?!" (Do you want to go against the law?) galit na galit na tugon ng General de los soldados. Binugbog na nila ang aking ama habang kinuha nila ang aking kapatid na si Dodong dahil pipilitin nila itong sumabak sa giyera. Ito ang isa sa mga parusang pinaukol ng pamahalaan sa aming mga mahihirap. Mga mahihirap na napagbintangan sa mga krimen, pagnanakaw at mga taong ginamit upang pagtakpan ang mga krimen at kababoyan ng mga mayayaman.

"Neneng!" piping sigaw ko sa aking kapatid na patuloy parin sa pagyakap kay ama kahit na madami na itong mga sugat at pasa. Paos na paos na ako sa kasisigaw. At pagod na pagod ako sa kakapigil sa mga sundalo. Hindi man kaya ng aking angking lakas ang pagpigil sa kanila ngunit hindi ko hahayaang pagbintangan nila kami sa isang bagay na hindi naman namin nagawa. 

Tila gumuho ang aking mundo nang tumingin sa akin si ama at tuluyang bumitaw sa kapit ni Neneng. Napahagulgol si Neneng kasabay ng mga baril na nagkasa at mga bombang pinaputok sa aming hacienda at mga pag-aaring pangkabuhayan.
Ngunit mas lalo akong napaghinaan ng loob sa sinambit ni ama.

"Isang, ikaw na ang bahala sa ating pamilya. Patawad."
All Rights Reserved
Sign up to add Hindi Maibaon Sa Limot to your library and receive updates
or
#40pighati
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos