Sabi nga ng marami life is not fair. May pinanganak na may gintong kutsara sa bibig habang mayroon namang walang saplot sa paa. May biniyayaan ng buong pamilya habang ang iba ay salat sa pagmamahal. Ang iba'y may magandang trabaho habang ang ilan nama'y hirap makahanap. Isa na siguro si Alondra Dominguez sa mga hindi pinalad na magkaroon ng buong pamilya. Salat sa pagmamahal at pinagkaitan ng maganda buhay. Kontento man ay hindi pa rin sumusuko si Alondra na mangarap. Siya na siguro ang rakitera ng taon dahil sa kabi-kabilaan nitong raket sa trabaho. Subalit isang araw ay tila bumaliktad ang mundo para kay Alondra. Ang dati niyang kontentong buhay ay biglang nagulo nang aksidente niyang makilala si Gonzalo Martin Dela Serna. Isang multi-billionaire business tycon that owns a hundred hotel and casino around the country. Isa rin ito sa nagmamay-ari ng Ilang golf course at supermarket sa bansa. Simple lang naman ang pangarap ni Alondra. Iyon ay ang makatapos ng pag-aaral at bagohin ang kaniyang kapalaran. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at dala ng kagipitan ay lakas loob niyang tinanggap ang alok ni Gonzalo. Maituturing mang pagkakamali at masasabing isang kasalanan ay nilunok n'ya ito kapalit ng marangyang buhay. Pero paano kung ang puso na niya ang sangkot? Makakaya ba niyang lunokin na lang ang sakit at itago ang pait? Kakayanin ba niyang tanggapin na hindi siya ang may karapatan sa taong mahal n'ya? Hanggang kailan niya kayang tiisin ang pangungutya para sa tinatawag na pag-ibig?