
"Natukoy na po ang pangalan ng bangkay na natagpuang kaninang umaga sa tabi ng ilog ng Veline. Siya po ay si Mara Lazaro 18-taong gulang. Nakita po ang bangkay niya ng isang binata na nagngangalang Darius Sebastian pasado alas-tres ng madaling araw. Ayon sa kanya ay galing siya sa isang bar, pauwi na siya nang matanaw niya ang isang tao na pawang may pasan sa balikat nito. Kahina-hinala raw ang laki ng bagay na pasan ng lalaki kaya agad niya itong sinundan at nakarating sila sa ilog ng Veline at doon ay itinapon ng lalaki ang bitbit niya. Nang makaalis ang salarin ay agad niyang pinuntahan ang kahinahinalang bagay na iyon at nakumpirma na katawan nga ito ni Mara Lazaro. Nakahandang tumistigo si Darius Sebastian laban sa kasong ito. May hinala rin ang pulisya na ito rin ang salarin sa mga natagpuang bangkay noong mga nagdaang buwan. Patuloy po namin kayong--" Binato niya ng hawak niyang tasa ang tv na iyon. Hindi pa siya nakuntento at lumapit pa siya roon para sipain ito. "Damn you Darius Sebastian."All Rights Reserved
1 part