Ang relasyon ay walang limitadong edad, kasarian o anong bagay dahil ang pagmamahal ay pwede mong makuha sa kahit anong bagay o parte ng mundo. Ang sabi ng iba ang pag-aaway sa isang relasyon ay normal daw dahil ito daw ang magpapatibay sa inyong relasyon kung ikaw ay may ka-relasyon. Naniniwala naman ako sa ganoong sabi-sabi na ang pag-aaway nga ang magpapatibay pero ang relasyon kasi na mayroon ako ay siguro parang literal na hulog ng langit at para akong nasa isang libro na walang pag-aaway, puro intindihan at walang mga hinalang nagaganap. Hindi ko alam na hindi pala maganda na minsan gano'n ang relasyon mo. Ang relasyon kong masaya at ubod ng lusog kung tawagin ay healthy relationship ay nagkaroon ng bato na kahit anong gawin ko ay hindi ko magawan ng paraan para maalis na hindi rin magawan ng paraan para maalis ng partner ko dahil kapag pinilit niya, ito lang ang magiging way para mas mapalayo ako sa kaniya. Ang hirap ng sitwasyon ko at hindi ko alam paano magdedecide para sa sarili ko dahil kahit ako ayaw ko malayo sa kaniya.
1 part