Kailan nga ba masasabi na tama ang isang pagkakataon? O, kailan din nga ba masasabi na mali ang isang desisyon? At kailan din ba masasabi na mali ang isang relasyon? Iyan ang mga tanong na pilit hinahanapan ng sagot ni Leigh. Paano ba niya masasabing na isa siyang asawa kung isang bagay lang ang meron siya? Isang asawa na hindi man lang nakapag suot ng wedding gown. Isang asawa na wala man lang nadaluhang seremonya ng kasal at napirmahang kahit na ano. Mayroon nga siyang suot na singsing ngunit hindi siya maituturing o matatawag man lang na isang asawa. "My story starts when I met this guy, I am probably regretting this afterwards but, this is me... Now, and this is The Life I Chose"