Bang! Bang! Bang! Pinatakbo ko ang kotse sa maximum speed. Pero nasusundan pa rin nila ako. Katapusan ko na!!! Wala pa naman ako ngayong tracking device! Shemay! Kung minamalas ka nga naman oh! Tinanggal nila para daw kahit wala akong malay, matetrace nila kung nasaan ako. May isang kotse ang tumapat sa akin at binuksan nya ang bintana saka ako pinaputukan ko. Bang! Bang! Bang! Agad naman akong yumuko at iniwasan ang paparating na kotse dahilan para mawalan ako ng kontrol. Sumalpok ang kotse ko sa poste ng kuryente. Duguan kong nakita ang sarili ko sa side mirror. Nahagip ng mata ko ang cellphone ko na nalaglag sa sahig ng kotse. May tumatawag. Nanlalabo ang mata kong tiningnan kung sino ito. Lucas Calling...... Sinagot ko kaagad ito. May huminto na kotse sa harapan ko at tinutukan ako ng baril. ("Hello, good mor-----") Bang! Bang! Bang! Hindi nya natapos ang sasabihin nya ng tatlong sunod sunod na putok ang tumama sa katawan ko. *cough *cough ["Sandra???! What's going on there?!?! Where are you!?!"]sigaw nya sa kabilang linya. Napadukdok na lang ako sa manibela. Nanghihina na ako. Pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan ko. "Lu...cas....*cough paki.... sabi....*cough kay.... Mat...thew.... mahal... na.... mahal.... ko.... sya...." pagkasabi ko nun ay sunod sunod na putok ulit ang narinig ko dahilan upang magliyab ang kotse ko. Narinig ko pa na nagsalita si Lucas pero hindi ko na naintindihan. Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko at bago magdilim ang paligid ay isang malakas na pagsabog ang narinig ko. At tuluyan na akong kinain ng kadiliman. ---------- A girl who's chasing by her past. Chasing by her enemies. That's why she had multiple identities to escape and hide. But what if one day, The world change upside down? What if, She'll be the chasing her enemies down and became their greatest nightmare? Read it now to find out what will happen next!All Rights Reserved