Story cover for Charming Enemy by Emzhielee
Charming Enemy
  • WpView
    LECTURAS 386
  • WpVote
    Votos 25
  • WpPart
    Partes 20
  • WpView
    LECTURAS 386
  • WpVote
    Votos 25
  • WpPart
    Partes 20
Continúa, Has publicado ago 29, 2020
Contenido adulto
Tutol si Jacky na makituluyan siya sa condo unit ng dating kababatang si Robert, hindi maganda ang nakaraan nila nito. Sa pagdating nga niya sa tirahan nito ay ipinaramdam nito sa kanya na hindi siya welcome doon. 



Ginawa niya ang lahat para magkasundo sila. Nakuha niya ang loob nito at sa pagdaan ng araw ay maging ang puso nito. 
Sa araw na nagtapat ito sa kanya ng pagmamahal ay siya namang araw na kinailangan niya itong iwan para tuparin ang kaniyang pangarap. Alam niyang sumama ang loob nito sa ginawa niyang pang-iiwan pero nangako naman siyang babalikan niya ito.



Tumupad siya sa pangako, bumalik siya, kaya lang ay hindi na ito nakahintay. Ikakasal na ito sa ibang babaeng nagkataon na kapangalan pa niya.
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir Charming Enemy a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
TAINTING HER INNOCENCE (R18+) de jhoelleoalina
30 partes Continúa
Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo. Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya. Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong itinakip sa ilong at bibig niya na mayroong kakaibang amoy. Nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya. Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.
Quizás también te guste
Slide 1 of 10
(Agent Series 6) The Widowed and the Agent cover
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED cover
The Day I Fell In Love With You cover
TAINTING HER INNOCENCE (R18+) cover
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd Samaniego cover
Her Unexpected Marriage [COMPLETED] cover
Looking For The Love  cover
Falling For The Enemy cover
52 Weeks With You (COMPLETED) cover
Amira  cover

(Agent Series 6) The Widowed and the Agent

36 partes Concluida Contenido adulto

(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Paano kung isang araw biglang bumalik ang nakaraan mo. nakaraan na gusto mong kalimutan. nakaraan na nagbigay sayo ng labis labis na sakit. paano kung akala mo ay wala ka ng nararamdaman pa para sa kanya pero yun pala ay nakatago lang sa kaibuturan ng iyong puso? Mapipigilan ba ni Jace Evangelista na ibigin muli ang kaisa isang babaeng na minahal niya. Ngunit siya ding nagdala ng matinding sakit para sa kanya. ang kaisa isang babae na pinangarap niyang makasama. Ang babaeng dahilan ng pagsisikap niya. paano pipigilan ni Jace ang kanyang puso na muling tumibok para dito. Paano niya lalabanan ang matinding pagnanasa niya para dito.