Sa pag-ibig, kailan mo ba masasabing tapos na ang lahat?
Sabi nila, kung may pintuang magsasara ay may panibagong magbubukas...
Ako si Calista Guillermo at masasabi kong tapos na ang lahat sa amin ni Kean Avilla.
Ang ending ng pantasyang aking binuo at iningatan, akala ko'y magiging isang happy ever after pero dadagdag lang pala ito sa mga kwentong mga sawi sa pag-ibig.
Umalis ako at nagpakalayo-layo, naniniwalang sa ganitong paraan ay ako'y makakalimot.
At nagawa ko ngang alisin sa puso at isipan ko ang natitira pang pag-ibig gayundin ang sakit at pait na idinudulot nito.
Pagkalipas ng tatlong taon, heto ako at tinatahak na muli ang dating daan, ang dating lugar, ang dating buhay na iniwan ko.
Wala man halos nagbago ngunit ang taong gumaganap na dito ay ang bagong Calista na binuo ko sa aking paglisan.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may mga bakas sa aking pahina dati na pilit bumabalik.
Isang pahina sa buhay kong ako lamang at siya ang nakakaalam.
Ang pahinang akala ko ay makakalimutan na lamang sa pagdaan ng panahon...ngunit sa aking pagtahak sa panibago kong buhay ay ito ang bubulaga sa akin.
Akala ko ay tapos na ang mga nakaraang pahina...ito lang nagpapatuloy sa kung saan ito tumigil.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.