Isang babaeng napangakuan ng walang hanggang pagmamahal.
Isang pagsasamang pinagbuklod ng tadhana na nasira sa isang iglap lamang.
Makakaya pa nga ba ng pusong sugatan ang magpatawad, magtiwala at magmahal?
Pinangarap mong makasama siya hanggang sa kayo ay tumanda. Mamahalin ang isa't-isa at hindi papayag na mawalay sa bawat isa.
Ngunit, hindi umayon ang panahon. Ang tadhana ay kasama pang nakipaglaro hanggang sa magkalayo...
Ang mga pangarap ay unti-unting nabuwag.. ang pagmamahal ay unti-unting nawawasak...
Muling nagkrus ang mga landas ngunit, iba na ang kanyang kayakap. Ang mga pangako ay nilimot at ikaw na mismo ang kusang susuko...