Isang taon na ang nakalipas nang mawalan ng ina si Vivienne Alba Perez. Ang pagkawala ng kanyang ina ay siya pang sinundan ng samu't-saring problema. Ang kanyang ama ay tuluyan nang nakahanap ng bagong pamilya, kaya't sila na lamang ng nakakatanda nitong kapatid na lalaki ang namumuhay ng magkasama. Upang mabuo mula ang pagkataong minsan na niyang tinalikuran ay naghanap siya ng mapagkakaabalahan. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang sariling lunod sa pagkahumaling sa ganda ng karagatan. Naniniwala siyang ang buhay ay maihahalintulad sa pabago-bagong emosyong ipinapakita ng dagat. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay tinuturuan tayo ng dagat sa kung gaano kaganda at kalawak ang mundo, ganoon din ang oportunidad na mabago ang buhay mo. Na sa kabila ng isang malakas na alon na siyang magdadala ng hagupit sa buhay mo ay siya ring kapalit ay kapayapaang higit pa sa hinahangad mo. Dala ng pagmamahal sa karagatan, magbabago ang simpleng buhay niya sa isang iglap. Ang taong hindi nito inaasahang makasama ay siya ring magbibigay kahulugan sa buhay niya.
3 parts