Nikon and Tutti had always been each other's worst enemies, but they were also each other's best of friends. Magulo, platonic at hindi kayang ipaliwanag ng salita ang kanilang relasyon sa isa't isa. Pero isang bagay yata ang common denominator nila: They would always end up needing each other. Which is true dahil noong nangailangan ng tulong si Nikon para ligawan ang babaeng napupusuan nito, kay Tutti siya lumapit. Ngunit lingid sa kaalaman niya, tinanggap lamang ni Tutti ang kanyang hiling dahil may agenda rin ito: ang pigilan siyang makipaglapit sa ibang babae. Ang dahilan? Ang pinaka-cliché na yatang rason para sa mga kagaya nilang magbestfirends kuno, in love kasi si Tutti kay Nikon, matagal na. Ngunit noong makita naman ng dalaga na nagkakamabutihan na si Nikon at ang babaeng gusto nito, ginusto na niyang magmove on dahil ang sakit sakit na. Then came Canon, ang kapatid ni Nikon na palagi rin niyang kasama simula pagkabata. Nagtapat ito sa kanyang mahal siya nito at handa nitong gawin ang sarili bilang panakip butas para makalimutan niya ang kapatid nito. She accepted Canon, pero biglang namang um-extra muli si Nikon sa buhay niya. Sino ba nagsabing madali ang may love triangle?