Biruang nauwi sa totohan. Paano na lang kung nahulog ang loob mo sa best friend mo? Maglalakas loob ka bang sabihin ito sa kanya? Ito ang kwento ng isang lalaking nahulog ang loob sa kanyang best friend dahil lamang sa mga biruan nilang magbabarkada. Ngunit paano siya aamin kung natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila.