36 parts Complete Love at first sight.
Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nalove at first sight siya sa reporter na si Brandon Mendoza. Kaya, upang mas maging mapalapit sa pinakamamahal niya, kinuha niya ang kursong Mass Communication at nang makagraduate, pinili niyang mamasukan sa network na mismong pinagtatrabahuan ni Brandon.
Parang mamamatay sa kasiyahan si Grysa nang matanggap siya bilang reporter ng istasyon. Bonus pa ang pagpili sa kanya bilang tranie ni Brandon. Kaya, napagdesisyuanan niyang hindi ipapahiya ang sarili sa lalaki at gagalingan ang kanyang trabaho.
Pero paano kung sa bawat presensya ng lalaki, tila umuurong ang kanyang dila at maging sa pag-uulat ay hindi na niya magawa ng maayos? Magtagumpay kaya si Grysa sa planong pag-papaimpress sa lalaki?