PROLOGUE Hawak hawak ko ang envelope sa kamay ko at matagal na tinitigan to. Dumating ito kanina sa bahay at ngayon ko lang naisipang bukasan, wala kong kaideya ideya kung anong laman neto. Binuksan ko eto at kinuha ang laman. Tumaas ang kilay ko ng may makita akong papel. Registration paper sa isang sikat na school dito. Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang pangalan ko dun at enrolled na. ELITE UNIVERSITY.... Ang school na papasukan ko. Nadako ang tingin ko sa note na nakadikit dun. "This will be your first misson, you just need to watch and protect him. Ps. Don't be get caught." Ang sulat na nakalagay don. Naningkit ang Mata ko. Protect who? Tinignan ko ang laman ng envelope at sinilip kung may laman pa nga ito. Nakita ko dun ang isang litrato kaya naman kinuha ko to at tinignan. Isang litrato ng binata, hindi nakatingin sa camera at mukang kuha sa malayo. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang ito base sa pangangatawan nito at muka. Tinignan ko ng likod ng litrato at nakita ko ang pangalan sa dulo ng litrato. Kailer Lucas Markeze.