Maagang pumanaw ang mga magulang ni Joshua Reynoso Mercado, kaya't ang lahat ng problema ng kaniyang pamilya ay siya ang dumadala. Isang gabi ng kalugmukan niya, tinulungan at pinalakas ng babae ang kaniyang loob sa pagharap sa hamon ng buhay. Labis na nabighani si joshua aa dalaga, ngunit kasamaang palad ay 'di niya nakuha ang ngalan nito. Dahil sa utang, nagkaroon ng pagtatangka sa buhay ni Joshua. Hinahabol siya ng ilang lalaki hanggang sa makarating siya sa isang lumang bahay sa maynila. Napunta siya sa pasilyo kung saan nakasabit ang ilang litrato ng kababaihan. Tanging isang wangis ang pumukaw ng atensyon niya, 'yon ang babaeng tumulong sa kaniya na bumihag sa kaniyang puso. Sa pagtitig niya sa litrato, napansin niyang nagiiba ang paligid ng buong bahay. Naging madilim rin ito na tila nasa labas siya. Labis na pagtataka't pangangamba ang namayani sa dibdib niya lalo na't pati ang kaniyang kasuotan ay nagiba na parang mula siya sa ibang panahon. Ngunit napawi ang lahat ng ito noong makilala't makita niyang muli ang babaeng nakita niya sa larawan. Nanaisin niya pa bang umalis at manatili sa kanilang pagmamahalan? O sa pagtuklas niya ng kaniyang misyon, padadaanin na lang niya ang silakbo ng kanilang pag-iibigan? All Rights Reserved © JDesteen 2020