Nasa plano ni Jedric ang paghihiganti para sa taong siyang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan ang kondisyon ng kanyang ama. But he felt frustrated nang mapag-alaman that Veronica Celeste was already dead. Paano pa niya ito pagbabayarin? Gumawa siya ng paraan para makilala ang anak nitong si Monica. Dito niya ipapataw ang paghihiganti. Subalit batid niyang kaagad nahulog ang loob niya nang una niyang masilayan ang kagandahan ng dalaga. Nangyari ay malayo sa poot na bumabalot sa puso niya para sa ina nito ang naramdaman niya para kay Monica. Nasumpungan na lamang ni Jedric na gumagawa ng sariling mga hakbang para makatulong sa paglutas sa kaso ng pagkamatay ng mama nito. Kung kailan nahulog na rin ang loob sa kanya ni Monica ay saka nito natuklasan ang unang hangarin niya noon sa planong paghihiganti. Paano niya mapapaniwala ang dalaga na walang bahid ng pagpapanggap at pagkukunwari ang pagmamahal niya para dito.