Sa pagpulot ni Arylle Monteverde ng isang makalumang kuwaderno, magbabalik siya sa nakaraang panahon. Sa unang pagkakataon, muling mabubuksan ang isang kwento. Kwentong nangyari halos dalawang siglo na ang nakararaan. Ang kuwadernong kaniyang napulot ay naglalaman ng totoong pangyayari sa buhay ng isang babae na nagngangalang Hulyana. Sa kaniyang pagpasok sa mundong hindi moderno, marami siyang makikita na naroroon lamang, marami siyang makikilala. Isa na roon ang lalakeng hindi niya inaasahang ibigin. Lalakeng nabuhay sa taong napakatagal na ang lumipas, taong nasa nakaraan na lamang. Ngunit sa kaniyang pagpasok, pagbabago sa nakaraan ang idudulot. Maraming nagbabago. Maraming mangyayaring 'di ayon sa kwento. Tuklasan ang mangyayari kay Arylle sa kaniyang pagbabalik sa taong 1875.