Sydney Santa Maria-ang pangalan na hindi lubos akalain na magiging isang tanyag. Sa pagsusumikap, nakamit niya ang mga pangarap na noo'y akala niya hanggang sa panaginip na lamang.
Ngunit sa pagbabago ng buhay niyang ito, kapalit ang pagbabago din ng kanyang perspektibo sa buhay. Negosyo ang laging nasa una ng kanyang listahan. Sa taas ng kanyang lipad ang siyang panlalamig ng kanyang puso.
At lahat ng ito ay mula sa sakit na kanyang pinagdaanan-sakit na hatid ng pag-ibig. Nadapa, umasa, at nasaktan. Kalaunan, kanya itong ginawang bala upang magpursigi at mapatunayan sa lahat na may totoong makapapansin at magmamahal sa kanya.
Kahit anong tagumpay na nararanasan, hindi niya maiwasan na balikan ang nakaraan. Kahit anong iwas, kahit anong limot, kusa itong bumabalik. Napupuno ng katangungan ang kanyang puso.
Ano ang dahilan ng lahat ng ito?
Bakit kinailangan niyang danasin ang pait?
Paano ko malalagpasan ang mga ito?
Mga katanungang ilang taon na binuno at itinanim sa isipan. Nais lamang niyang maunawaan ang mga kasagutan.
Tatlong salita. Tatlong tanong. Tatlong kasagutan na hinahangad: ano, bakit, at paano.