Bitter ako noon... Pero Better na ako ngayon... Totoong masarap magmahal at masakit masaktan, pero hindi totoong hindi mo kayang makapag move on sa isang break up. Dahil kung gusto, maraming paraan at kung ayaw naman maraming dahilan. Hindi iikot ang mundo natin sa isang lalaki lang. E ano kung masaktan ka ngayon? Ang importante matuto kang bumangon kapag nadapa at lumaban kapag nasasaktan. Dahil habang nagmumukmok ka sa isang sulok, iyong taong iniiyakan mo ay nakakatawa na at nakapag move on na pala sa iyo.