Story cover for Itnikus by Inktheurgist
Itnikus
  • WpView
    Reads 22
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 7
  • WpView
    Reads 22
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 7
Ongoing, First published Sep 04, 2020
Mature
Ang Itnikus ay mundo na nilikha at pinangangalagaan ng mga anito na pinaniniwalaang nakatira sa ituktok ng Bundok Kuldras, ang pinakamataas na bundok sa mundong ito. Ang mga naninirahan dito ay tinatawag na mga Itnikanon at may kanya kanyang mga tribung kinabibilangan. Ang mga pangunahin sa mga tribung ito ay ang Amyahanon na tribu ng mga mandirigma, Igoloy na tribu ng mga mangangaso, Aluhib na tribu ng mga babaylan, Herbuna tribu ng mga manggagamot, at Batinglilaw na tribu ng mga nagtatanghal. Ngunit hindi lamang mga Itnikanon ang namumuhay sa Itnikus. Naririyan din ang mga taglugar, mga nilalang na nilikha rin ng mga anitu ngunit naiiba ang kanilang mga hubog kung ihahambing sa mga Itnikanon. Kadalasan silang bahagi ng kalikasan kaysa sa bahagi ng mga mortal na tribu.

          Sa tagal ng panahon ay namuhay ang mga Itnikanon at taglugar na mapayapa at tahimik. Ngunit ang lahat ng ito ay magagambala sa muling pagbabalik ng isang sinaunag anito kasama ng mga alagad nito. Limang kabataang galing sa limang pangunahing mga tribu ang mapipiling tagapagligtas ng Itnikus laban sa kadiliman ng mapaghiganting anito.

          Anong kapalaran ang kahaharapin ng mga kabataang tagapagligtas sa kanilang magiging laban sa hinaharap ng Itnikus. Halina at samahan sina Kusogsinon, Daklilan, Tilhati, Ilanggayan at Ambahan upang maglakbay at maging kinatawan ng mga anito sa paglaban sa anito ng kasamaan.
All Rights Reserved
Sign up to add Itnikus to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] by MoonlightMaddox
31 parts Complete Mature
Sa mundo ng mahika na kung tawagin ay Valderia ay nananahanan ang mga nilalang na kilala bilang mga lobo at bampira. Kahit na mortal na magkaaway ang dalawang panig ay nagkasundo sila sa paglaon at pagkumpas ng mahabang panahon. Tumigil ang alitan ng dalawang panig at ang lahat ay namuhay nang payapa't matiwasay. Walang away. Walang gulo. Walang digmaan. Subalit ang kapayapaang iyon ay dagliang nagwakas nang isang panibagong nilalang ang gumulantang sa kanilang lahat. Isang nilalang na higit na mas malakas at higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanilang lahat. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ay ang nilalang na naging banta sa kanilang mga buhay. Ang mga mangkukulam. Dahil sa higit na mas makapangyarihan ang mga ito kaysa sa kanila ay nakaramdam sila ng takot. Takot sa mga maaaring gawin ng mga ito laban sa kanila. Kung kaya't dala nang labis na pangamba't ganid sa kapangyarihan ay nagkasundo ang mga lobo at bampira na tapusin ang angkan ng mga mangkukulam. Tinugis nila ang mga ito at isa-isang sinunog. Kahit na anong pakiusap at pagsusumamong gawin ng mga ito ay hindi nila pinakinggan at walang pag-aalinlangan nilang pinaslang. Subalit ang huling mangkukulam na pinatay nila ay nag-iwan ng isang sumpa na siyang naging dahilan upang lahat sila ay mabahala. Sumpang siya'y magbabalik at maghahasik ng lagim at lahat ng nagkasala sa kaniya't sa kaniyang mga kauri ay kaniyang pagbabayarin. At dahil sa sumpang iyon ay nilamon ng takot at pangamba ang mundong kinagagalawan nila. Huli na nang mapagtanto nila na ang mangkukulam na iyon ay ang mangkukulam na siyang higit na kinakakatakutan ng lahat ng mga mangkukulam sapagkat ito at tanging ito ang kahuli-hulihang lahi ng mga itim na mangkukulam. At ang kaniyang pangalan dala ng kaniyang sumpa sa buong sanlibutan ang siyang tumatak sa isipan ng buong sangkatauhan. Siya ay walang iba kung hindi ay si Aurora. . . Ang nag-iisang pinakamakapangyarihang mangkumulam sa mundo ng Valderia.
NEET! by PatRick405
43 parts Complete Mature
Ilang Milyong taon na ang nakakaraan bago pa dumating ang sinasabing diyos na siyang tagapagligtas ng lahat, ay may mga tao na dito sa mundo na gumagamit ng mga kakaibang mahika o kapangyarihan, sinasabing sila ang mga sugo ng diyos o tagapagligtas na siyang tatapos sa lahat ng hirap at pag-subok. Nag daan ang panahon nag-pasiya ang mga tao na gamitin ang mga nilalang na ito para sa digmaan, at bawat bansa ay merong alas na pang laban gamit ang sinasabing sugo ng diyos. Ngunit dumating sa punto na isang kauri nila ang napag-isip-isip nila na hindi nila tungkulin ang protektahan ang mga tao, dahilan sa sakim ito at walang alam ang mga ito kung hindi ang mag-payaman, mag-simula ng digmaan at pumatay. Kaya nag desisyon ang nilalang na ito na baliktarin ang sitwasyon. Ang sakupin at pahirapan ang mga taong umaabuso sa kanila. Ang nilalang na tumatayo bilang hari nila na siyang kumawala sa mga pang-aabuso ng mga tao. Si zeobian ay may isinulat na isang libro na patungkol sa kaniyang pag-babalik na balang araw ay babaguhin niya ang sangkatauhan mula sa baluktot at mapanirang nilang hangarin. Pero bago paman ikinalat ng mga kinikilalang masugid na tagasunod ni zeobian ang kanyang kapangyarihan, at hinati nila ito sa pito, upang siguraduhin na balang araw mag-tatagumpay ang kanyang pag-babalik sa makabagong mundo. Lumipas ang mga panahon, nag-pasa-pasa at naging alamat nalamang ang sinasabing mga sugo ng diyos, pati narin ang sinasabing kapangyarihan ni zeobian. Ngunit sa panahong moderno at sibilisado, ay nag-kalat lamang sa paligid ang mga hinirang, oh mas kilala sa tawag na intelligent. Na mas pinili ang gamitin ang kanilang kakayahan sa pang-sariling interers. Meron pa kayang mga taong kagaya nila na puwedeng pumigil sa kanila?
Lucky 14 by famebad01
21 parts Complete
Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig. Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan. Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods. Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal? Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman? Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14. Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.
You may also like
Slide 1 of 9
ANG DIREKTOR NA PSYCHO (THE WICKED DIRECTOR ) cover
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] cover
NEET! cover
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing cover
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover
Lucky 14 cover
𝚆𝚑𝚊𝚝 𝚕𝚒𝚎𝚜 𝙰𝚑𝚎𝚊𝚍 cover
MULTI-ACADEMY: The School Of Elemental Abilities cover

ANG DIREKTOR NA PSYCHO (THE WICKED DIRECTOR )

11 parts Complete

ANG ISTORYANG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG AT GAWA NG ATING IMAHINASYON TUNGKOL SA ISANG KATATAKUTANG ISTORYA NG ISANG DIREKTOR NA PSYCHO. ANG DIREKTOR NA PSYCHO NA ITO AY ISANG ALAGAD NG DEMONYO AT KANYANG MISYON AY LINLANINGIN ANG MGA TAO SA KANYANG PELIKULA O SERYE NG KATATAKUTAN SA ISANG TELEBISYON. ANG MGA PELIKULANG KANYANG ISINASAPELIKULA AT SERYE SA TELEBISYON AY NANGYAYARI ITO AT NAGHAHASIK NG LAGIM AT KASAMAAN SA MUNDO. ANG KANYANG PELIKULA AT SERYE SA TELEBISYON AY MGA KATATAKUTAN AT ANG HINDI ALAM NG MGA NAKAKAPANUOD SA PELIKULA NIYA AY MANGYAYARI ANG KASAMAANG ITO. SUBALIT SIYA AY PINUKSA NG ANGHEL NG KALIWANAGAN AT ANG KANYANG MGA PAGKAKALAT NG LAGIM AY NAKOKONTRA NG ALAGAD NAMAN NG DIYOS UPANG HINDI MAGTAGUMPAY ANG MGA ITO SA KANILANG MGA KASAMAAN. SA BANDANG HULI AY NAPUKSA ANG DIREKTOR NA PSYCHO AT SIYA AY NAGPALIT NG ANYO AT NAGING DEMONYO AT NAGLABAN SILA NG ANGHEL AT SIYA AY TINALO NG LIWANAG NG ATING BIDA AT NAPULBOS ANG DEMONYO AT IBINALIK SA IMPYERNO. ATING TUNGHAYAN ANG DIREKTOR NA PSYCHO.