Nagmahal. Nasaktan. At nakulong sa ala-ala ng nakaraan. Sa paglipas ng panahon ay patuloy pa ring minumulto ng kahapon si Dana Rivera. Minumulto ng unang pag-ibig ng kaniyang batang puso. Kinulong niya ang sarili sa kalungkutan sa paglipas ng mga taon. Nanatiling matayog ang pader na nakapaligid sa kaniya sa takot na masaktan muli. Nangako si Dana na hinding-hindi na siya magmamahal muli ngunit mababali iyon sa pagdating ng isang lalaking titibag sa pader na kaniyang itinayo. Ang lalaking ito ang magpapakita sa kaniya ng tunay na pag-ibig at kung paano siya tamang mahalin.