PRESS 1 FOR ENGLISH (The Truth About Call Center)
9 parts Complete Mature"Behind every successful call... is a great story to tell."
Akala mo siguro ang call center ay puro night shift, inuman, team buildings, kasiyahan, at unlimited kape, mali ka- dahil sa likod ng bawat headset at script ay isang mandirigmang pilit pinapasaya ang galit na customer habang nilalabanan ang antok, burnout, at gutom.
Ito ang kwento ni Johnny - isang ordinaryong ahente na may extra-ordinaryang pasensya. Mula sa unang "Thank you for calling," hanggang sa huling "Have a great day," sinusubukan niyang tumawid sa dagat ng accent, verification questions, empathy statements, at technical issues. Sa bawat call, may bagong challenge. Sa bawat customer, may bagong emosyon. Sa bawat team leader, may bagong memo..
Pero hindi lang ito kwento ng stress at script. Ito rin ay isang kwento ng pagkakaibigan, kalokohan, at kabayanihan sa pantry. Isang survival guide para sa mga baguhan, at isang flashback trip para sa mga beterano.
"Welcome to the call flow - where every beep signals a new battle "laban na", and every mute hides a silent scream na 'Lord, give me strength!'".