Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang unang nagkaroon ng love life. Florence thought she had a perfect relationship. Akala rin ni Florence siya ang unang lalagay sa tahimik. Pero mukhang doomed na tumanda siyang dalaga ayon sa tuksuhan nilang tatlo nina Louisa at Reth, ang dalawang kapatid niya. Dahil nang magka-love life naman ang dalawang ito, na-brokenhearted naman siya. At tama nga yatang kapag successful ang career nganga sa love life. Hindi mapagsasabay ang dalawa. Baka kaya ganoon na lang kung itulak si Florence ng kanyang pamilya kay Ivan. Ang headwriter ng lifestyle show niya at kanyang kaibigan. Not that she didn't want Ivan, pero may hang-ups din kasi ito. May unrequited love ang binata. At kung kailan naman na-realize at na-figure out na ni Florence ang tunay na nararamdaman para sa binata saka naman dumating si Unrequited Love. Hindi tuloy niya alam kung lalaban pa ba siya o babawi na lang. Love versus friendship.