Isang activist si Carmina sa panahon ng Marcos regime. Pumunta siya sa Luneta para sana saksihan ang speech ni Marcos sa Araw ng Kalayaan. Pero nagulat siya dahil pagdilat niya ng mga mata ay natagpuan niya ang sarili sa Luneta, pero ibang-iba ang paligid na nasasaksihan niya. Bukod doon, bakit halos ang kakaunting taong nakikita niya sa paligid ay mga nakasuot ng face mask? Si Carmina... ang babae sa taong 1979 ay naglakbay sa hinaharap sa taong 2020 kung saan laganap ang pandemic... at iyon ay para muling makita ang lalaking itinadhana sa kanya pero hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanila sanang future love....