Ako'y nakatingin sa malayo habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadapo, iniisip ang mukha mo at ang mga ngiti na sumisilay sa mga labi mo. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko, na ang pag-iibigan natin ay malabo pano ka kaya sa totoong mundo? Baka sakaling maging tayo, at ang pag-iibigan natin ay di na magiging malabo. At hihiling sa mga bituin na sana ako ay iyung mahalin at piliin.