55 parts Complete MatureKapag may galit, may paghihiganti...
Naniniwala ba kayo sa kasabihang "ang paghihiganti ay maaaring mapalitan ng pagmamahal?" siguro maaari dahil sa larangan ng pag-ibig puso ang palaging nasusunod hindi ba? Puso ang laging nagpapasya, kaya minsan sa huli puso din ang nagdudusa.
I-paano naman kaya kung puso talaga yong tama sa lahat? Susundin mo ba? Gagawin mo ba? Susugal ka ba? O, yong nasa isip mo yong mas mahalaga? 〜Sabi nila hindi daw matuturuan ang puso, totoo yon dahil puso naman talaga ang nagdedesisyon, puso ang syang magtuturo sa atin, kung sino ang tunay at karapat-dapat na tao para sa atin. Na dapat nating mahalin.
Yon nga lang kailangan mo pang masaktan, gaya ni Xiao Ran na kailangan magpakasal sa isang Prinsepe para lang mapanatili ang ugnayan at katatagan ng kani-kanilang angkan ayon sa napagkasunduan.
Kailangan niyang pakasalan ang isang Prinsepe na kinakatakutan ng lahat, hindi madaling maplease at mahirap pakisamahan. Mas malamig sa yelo pero kasing lupit ng isang dragon, sabihin na din nating sa isang uri nga ng ganoong lalaki sya mahuhulog dahil kahit alam nyang isa lang naman yong kasunduan ay pasimple nya itong mamahalin.
Kaso ang Prinsepeng pinaguusapan na si Wei Tian, may mas malalim rin palang dahilan kaya tinanggap ang kasunduan. Walang iba kundi ang maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ina at malaman kung sino ang mga tunay nilang mga kalaban.
Subalit, ang isang malaking tanong. Ano nga ba ang layunin ng puso?
Maghiganti? Magtaksil? Manakit? O Magmahal?
Paghihiganti, Ambisyon at Pagtataksil. Lahat
ng iyan subok at hindi maiiwasang gawin ng
isang tao. Pero maaari ding habang tumatagal
ay tumibok ang puso niya at mawala ang galit
na naguumapaw sa kanyang dibdib.
"Mayroong
paghihiganti kung mayroong galit" marahil ito'y
totoo pero maaari rin na may isang sagot na tutumbas
rito.
Hindi ba't ang salitang pag-ibig?
Pag-ibig na kailan man sa lahat ay syang mananaig...
(edited)
Date Started: 07/22/2024
Date Ended: 11/23/2024