Dahil sa maling desisyon at sa mga hindi inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang napakalaki at nakakatakot na bahay. Prinsesa akong ituring ng aking pamilya noon pero hindi ko akalaing magiging muchacha ako ni Anthony Turgen, isang binatang tila takot o galit sa mga babaeng katulad ko. Ayoko sanang makialam sa buhay niya ngunit isang gabi, nakita ko siya sa isang silid at nalaman ang tinatago niyang sikreto. Tahimik sana akong aalis pero nagtagpo ang aming mga mata. 'Oh, sh-t!'