Gamit ko'y lenggwahe ng Filipino Ginamit ko 'to dahil iyon ay aking gusto Iba-iba ang paksa ng iyong mababasa May ibang magkakapareha ng paksa 'Wag kang mag-aalala Sapagkat ginagawan ko ng paraan para sila'y magkakaiba Sana malaman niyo ang aking totoong pakay Lahat ng ito ay hango sa totoong buhay Dahil ang nilalaman nito ay walang kasinungalingan Lahat ay nangyayari sa ating kasalukuyan Subukan mo'ng ramdamin ang bawat salita Baka ang bagay na hindi pinapaniwalaan ay iyong makitaan Baka ang katotohanan ay wala nang bahid na kamalian Baka ang noo'y iyong kinaiilingan ay ngayo'y iyo nang tatanguan Sabay nating buksan ang isip at puso Nang sa gayo'y, hindi tayo mapag iwanan ng mundoAll Rights Reserved