"Nagising na lamang si Olivia sa katauhan ng ibang tao--Sa katawan ni Irene na kagagaling lamang sa comatose. Sa takot na isipin ng iba na nasisiraan siya ng bait, inilihim niya na lamang ang totoo. Ang malala pa ay napilitan siyang mag-panggap na Irene sa harap ng pamilya, mga kaibigan, at kasintahan nito. Pero hanggang saan kaya siya dadalhin ng pag-papanggap at mga kasinungalingan niya, kung ang inakala niyang masaya at perpektong buhay nito, ay masyado palang magulo at komplikado?"
16 parts