Pahimakas: Huling Paalam Naniniwala si Aglaia na hindi lahat ng pamamaalam ay nangangahulugan ng katapusan. Minsan ay ito pa ang simula ng panibagong buhay, pag-usbong ng panibagong pag-asa, at ang magmumulat sa atin sa mga realisasyong dati'y ating iniignora. Ngunit ng mawala sa kanya ang pinakamamahal niya, lahat ng kanyang paniniwala ay nagbago. Wala siyang ibang naisip kundi sana ay maglaho na lamang siya tulad ng araw sa t'wing sasapit ang gabi. Ang liwanag ay napapalitan ng kadiliman. Ang ngiti ay nagiging luha. Ang tawa ay nagiging hikbi. At maging ang kasiyahan ay napapagod at hindi maglalaon ay magiging kalungkutan. Sa mundong puno ng pagbabago, katapusan, at pamamaalam, hanggang kailan mo kakayanin? Hanggang kailan ka magpapatuloy mabuhay?Todos los derechos reservados
1 parte