Si Amara Likha Dirije ay hindi ordinaryong babae. Matayog ang pangarap nito para sa kaniyang sarili at pamilya. Hindi basta-basta magagapi, hindi 'marupok' ika nga niya. Ngunit isang trahedya ang magpapabago ng ikot ng kaniyang buhay. Isang kasawiang lalapnos sa kaniyang murang pagkatao. Sa pagdating ng isang taong may kaugnayan sa kaniyang sinapit, paano niya kaya ito tatanggapin?