Paano kung ang dyanra ng isang kwentong trahedya ay mapalitan ng kababalaghan at pantasiya, ano kaya ang mangyayari sa nakagawiang nobela?
Si Rienda Bandahali. Isang babaeng walang ibang minimithi kundi'y masunod lamang ang mga utos ng kanyang inang si Malia lalo na ang kanyang tumatayong amang si Arwaldo. Handa siyang magbanat ng buto para lamang sa kanila, kahit mapanganib ang mga ipinag-uutos nito.
Mabait, mapagmahal, mapag-alala at higit sa lahat ay masipag. Iyan ang iyong makikita sa mukha, sa mga mata ng isang nakangiting Rienda Bandahali. Ngunit, sa likod ng kanyang mga mapanlinlang na ngiti, isang nakatagong suliranin ang araw-araw niyang kinakaharap. Ang pagpapasakit, pagpapahirap at pagsasamantala sa kanya ng kanyang tumatayong amang si Arwaldo.
Isang araw, siya'y balak pagsamantalahan ng kanyang lasing na ama. Matatakutin, malambot at mahina si Rienda, ngunit isang pangyayari ang nagligtas sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ulo, kanyang tinitiis ang hapdi nito. Nanlabo ang kanyang paningin na parang isang hindi maintindahang larawan sa oleo. At nang kanyang iminulat ang kanyang mga mata, siya'y nakangiti, hinarap niya ang kanyang ama, idinampi niya nang malakas ang kanyang palad at napahalakhak nang wagas.
Isang mambabasa ang sumapi sa kanya. At kanyang nalaman na siya'y nabubuhay lamang sa isang nobela at sumapi sa kanya ang mambabasa upang mailigtas siya sa nakatakda niyang kamatayan sa kanyang nobela na akda ng kanilang magiging matinding kalaban, ang manunulat ng kanya mismong nobela, si Sicario Baltimore.
Paano kung ang trahedyang istorya ay mapalitan ng isang makabagdamdaming kababalaghan at pantasiya? Maililigtas kaya si Rienda ng kanyang mambabasa o tuluyan ng mamatay at maiwan ang kanyang mambabasa sa loob ng nobela bilang isang kaluluwa? At ang huling katanungan, kanila kayang matatalo ang manunulat na si Sicario sa nobela?
Book Cover by KhakiGraphics [EDITOR KHAKI]
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions.
Join Gray and Amber as well as the other characters in discovering the one and only truth.
Detective Files (File 2 of 3)
Written by: ShinichiLaaaabs.
Must Read: Detective Files. File 1 (COMPLETED)
Originally Published: 07/11/16
Republished: 10/10/17