Isang pambihirang lalaki na nilalang ng maykapal ang nanatiling nabubuhay ng mahabang panahon at ang tungkulin ay bantayan ang isang magandang kalikasan,na malayo sa mga taong naninira at umaabuso ng magagandang kapaligiran,tahimik at payapa nyang iniingatan ang kanyang lugar na tahananan ng mababangis na hayop at mayroong mala kristal na pag kinang ng tubig sa ilog. Masaya at payapa ang buhay nya sa lugar na kung tawagin ay isang paraiso,kuntento sa kung anong nakikita nya,wala na syang mahihiling pa dahil ang pakiramdam nya ay umaapaw na sa saya.Subalit nagkaroon ng isang kabahabahalang pagsulpot ng isang tao sa napakatagong lugar na di makikita ng ganon ganon lang.Dumating ang isang binibini na may sadyang angking kagandahan na nabubuhay sa kasalukuyang panahon.
Lumipas ang mahabang panahon, sa panahong kasalukuyan may isang babae n sikat o popular sa buong bansa dahil s angkin nitong kagandahan at husay sa pag arte, dahil isa siyang aktres,ang pangalan niya ay LARA lumaki at nakagisnan ni Lara ang isang hikahos n pamumuhay, kaya hindi madali s kanya ang mabuhay n masaya, subalit s kanyang kagandahan at pagsisikap narating niya ang isang matagumpay n pamumuhay, itinaguyod niya ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid, subalit may kakaibang ugali ang ating bidang babae, kabaligtaran s iniisip nyo,isa siyang masungit at mataray n babae lalo na sa mga kalalakinan hindi siya basta basta nakikipagkilala at nagpapaligaw n katulad ng ibang babae, subalit ganoon pa man patuloy parin ang kanyang pagsikat, at hanggang magkaroon uli siya ng isang malaking project n kanyang pagbibidahan n gaganapin s isang magandang isla ito n kaya ang pagkakataon n magkikita ang ating mga bida? subalit hindi madali ang kanilang magiging kapalaran dahil may mga hadlang at balakid sa kanilang daraanan,dahil may mga pagibig din na hahadlang sa kanilang dalawa dahil may isang babae at lalaki rin ang magmamahal sa kanila ng labis at baka di maiwasan na sila rin ay matukso.