Isa......Dalawa......tatlo..... Tatlong eroplano na ang nakikita kong dumadaan dito sa tapat ng bahay namin. Madalas akong tumambay dito sa labas kasi araw-araw kong bininilang ang bawat eroplanong daraan. Balang araw makakasakay din ako diyan. Balang araw. Sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga kaya magsisikap akong maging isang Flight Attendant, babati ng magandang araw sa mga pasehero at magpapaalam yan ang gusto. Pero bakit ko nga ba gustong maging isang flight attendant? Kasi gusto kong malibot ang buong mundo? makapunta sa ibat-ibang bansa? Syempre oo, sino banaman ang hindi? Pero may isang rason kung bakit nais kong makamit iyon. Malaki ang sahod. Gusto kong iahon sa hirap sina nanay at tatay. Gusto kong mapatayuan sila ng sariling bahay hindi yung sa squatter's area. Hindi ko ikinahihiya na dito ako nakatira kasi dito ko namulat na ang buhay hindi patas. Kung yung iba kakain nalang pagkagising kami hindi kasi kailangan naming kumayod sa murang edad. Pero pano ko sila iaahon sa hirap kung ayaw nila. Lagi nilang sinasabi saakin na "wag ka ng mag-aral magaasawa ka lang din naman" "walang kwentang mag-aral gastos lang yan" pero pangako makakatapos ako at makakaahon kami sa hirap. *********** "Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in an overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure your seat back and folding trays are in their full upright position" Ladies and gentlemen, this is Sabria Katherine Cruz and I'm your chief flight attendant. On behalf of Captain Domingo and the entire crew, welcome aboard. We're now ready for take off.All Rights Reserved