Sa talang buhay ni Venice ay wala syang ginawa kundi ang mahalin ang kanyang kasintahan na si Rheyven. Kaya kahit ang makita at mapanood ng harap-harapan ang ginagawa nitong pang aalipusta sa iba't-ibang babae ay hindi nya ito pinipigilan. Mahal na mahal nya kasi ang binata at hindi nya ito kayang isumbong sa mga kapulisan. Ngunit dumating ang araw na kinakain na ng matinding konsensya ang dalaga para sa mga babaeng na biktima. Kaya na isipan nyang gawin ang tama at isuko ang binata sa batas kahit na labag sa kanyang kalooban. Nalaman naman ito ng binata kaya pinatay sya. Pero bago tuluyang malagutan ng hininga ang dalaga ay pinangako nyang babalik sya at bibigyang hustisya ang lahat ng mga babaeng pinatay ng kanyang kasintahan. Nangako rin ito na wala nang ibang mga babaeng susunod na mamamatay sa kanya at wawakasan nya ito sa pagbabalik nya.