Madalas, habang nakatitig sa kawalan, dumadaloy ang mga salitang nagmumula sa kasuluk-sulukan ng isip. Mga salitang bumubuo ng mga ideya. Madalas, lumalabas ito sa paraang makulay, maiksi at may ritmo.
Hindi ko man ito kalakasan bilang nangangarap na manunulat, subalit may mga panahong nakakalikha naman ako ng mga tulang hindi ko inakala na aking maisusulat.
Sa gabay ng mga damdaming nag-aalpasan, may mga panahong lumalabas ang pagiging makata.
Ito, dito ko pagsasama-samahin ang mga piyesang naisulat mula nang ako'y matutong magsulat...
Koleksyon ng mga tula.
Kwentong nakabalot sa bawat talata.
Basahin ang kwento ng kalapastangan ng araw, luha ng ulap, at lihim ng buwan sa "Araw, Ulap, at Buwan" ni Soraemie.
Pabalat sa pagkaka-disenyo ni: @clxirven
Highest Rank: #10 - tula