Asar na asar si Dawn sa teacher ng kanyang pamangkin kaya hanggang maaari ay iniiwasan niya ang bugnuting lalaki kapag sinusundo niya ang bata mula sa school. Para sa kanya ay may attitude ang guro dahil maliban sa mga estudyante ay wala na itong ibang nginingitian. "Hanggang tingin ka na lang ba?" tanong nito minsan nang mapansin nito ang itinatago niyang damdamin para sa isa niyang kaibigan na lalong nagpasidhi ng inis niya sa pakialamerong guro. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kinaaasaran niyang lalaki ang tumulong sa kanya sa isang mahirap na sitwasyon at mula noon, nag-iba ang tingin at damdamin niya para sa gurong si Yuu.