Celestial Bond Tale of the Sun and Moon
4 Части Завершенная история Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang lungkot
Lungkot na tila nimbo na halos bumalot sa aking pagkatao.
Namimighati ang aking pusong animo'y tinarakan ng punyal
Malalim na sugat, na nagbibigay pasakit sa aking buong katawan.
Palagi kong hinihintay ang pagsikat ng bukang liwayway,
Umaasang muli kang masulyapan.
Kahit saglit, kahit sa malayo.
Subalit parating bigo.
Hanggang sa dinggin ng mahal na bathala ang panalangin
Muli kang nasulyapan, kahit saglit, kahit malayo.
Tadhana natin ay di magtagpo.
Kailan kita muling mahahagkan? mahal kong Buwan.