Madali at masaya lamang ang buhay para sa kambal na isinilang sa nalalayo at ibang mundo. Sila iyong tipo ng kambal na hindi mo mapaghihiwalay, mabait, maasahan, masunurin, talentado halos nasa kanila na ang lahat kung hindi lang namatay ang kanilang ina sa hirap ng panganganak sa kanila at kung hindi sumama ang kanyang ama sa nobya niyang tao. Hindi nila alam kung bakit mas pinili pa ng kanilang ama ang iba kaysa sa sariling dugo at laman. Mahilig magbiro ang kambal para mapasaya ang nakararami. Kilala bilang joker twin dahil sa angking talento sa pagbibiro. Isang payapang pamumuhay na sana ang kanilang tatahakin kung hindi lamang sila nabigyan ng misyon na kung saan kaylangan nilang pumaroon sa mundo ng mga tao at bigyan sila ng marangyang buhay. Lingid sa kaalaman ng kambal, may mga makakasalumuha silang sakim na mga tao na magiging dahilan ng isang trahedya.Ngunit may isang dalagita ang papasok sa buhay niya. Siya ba ang tutulong sa kanya o bibigyan pa siya ng maraming problema? Isang tao na kamumuhian niya ng sobra. Hindi niya kaagad malalaman kung makakatulong ba siya o mas lalong pasasamain lang ang loob niya. Ang babaeng magpapatunay na hindi ang pagtatanim at pag hihiganti ang solusyon sa bawat pagsubok na dumating sa kanyang buhay. [ON GOING]All Rights Reserved