Sa isang dimensiyon kung saan matatagpuan ang Ashmar Galaxy ay makikita ang napakaraming planetang nakapalibot sa dalawang nagagandahan at naglalakihang kambal na araw. Napagandang pagmasdan ang tanawing ito kung makikita lamang ito ng sinuman. Makikita mo rin dito ang pitong naggagandahang mga naglalakihang mga buwan kung saan ay hindi ito maihahalintulad sa anuman normal na buwan dahil kulay ube ang kulay ng mga ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Mayroong pasalin-salin na kwento rito lalo na sa pinagmulan ng kapangyarihan ng mga nilalang na nabubuhay rito hanggang ngayon. Isa na rito ang pinakatampok na kuwento ng mga matatanda mula daw sa kanilang mga kanunu-nunuan, ito ay kwento ng mag-asawang diyos at diyosa. Noong unang panahon kung saan ang parte ng kalawakang ito ay mayroon ng mga nilalang na nabubuhay ngunit puro mga ordianryong tao at hayop lamang ang nakatira dito at hindi alam kung sino ang lumikha sa mga ito maging ang mga planeta, mga buwan at iba pang makikita sa kalawakang ito. Minsa'y aksidenteng napadpad ang mag-asawang diyos at diyosa sa Ashmar Galaxy. Sila ay ang makapangyarihang mag-asawang nagngangalang Alfaem at Reviena. Ang kanilang kabuuang anyo ay nagliliwanag at hindi matukoy kung ano ang itsura ng mga ito. Siguradong hindi kayang tingnan ng sinuman ang kanilang kabuuan lalo na ang kanilang mga mukha lalo pa't nababalot sila ng kakaibang enerhiya at kapangyarihan. Sinasabing sila ay nagmula sa isang napakalayong dimensiyon at naglakbay ng sobrang layo patungo sa lugar na ito ng Ashmar Galaxy... Exclusive Content available in my new Wattpad Account: agnostos_scriitorAll Rights Reserved