Para sakanya , kaartehan lang ang pagsusuot ng mga dress , matataas na heels , mga ipit na may kung ano - anong palamuti o kahit ano pang mga bagay na pwede kang maging maganda. Nakakairita sa madaling salita , pero simula nang makilala niya si Lucky One , nagbago ang ihip ng hangin. Gusto na siya nitong mapansin , kaso lang paano siya mapapansin kung madalas suot niya ay basketball jersey at sapatos na sneakers. Kailangan niya ba talagang magbago para mapansin siya? O dun lang siya sa sulok at magiging tapat sa sarili niya? Ito ang kwento ni Alex Buenavista na '' One of the Boys '' kumbaga. Matalino , maganda at walang arte. Hearthrob ba naman? Kaso ang nakakaturn - off daw sakanya eh yung pagiging Boyish niya. Sayang ang ganda niya noh? Sa dami ba namang nanliligaw sakanya eh wala man lang nakasurvive. Oo , walang nakasurvive. Sasagutin lang daw niya ito kung makakapasa sila sa mga Challenges.. Marami ang naghahabol sakanya .. Kung baliktarin kaya natin , si Ms. Pogi naman ang maghahabol? Makakasurvive din kaya siya? O uuwi siyang luhaan? Ang weird pa dun , si Lucky One ay kakaiba. Tahimik lang , lonely much. Madalas gawin ay yung magbasa ng mga kung ano - anong libro at ilagay ang earphones sa teynga para makinig ng music. May appeal din naman. Opposite sila masyado , mag - work kaya ang relationship nila kung sakaling maging sila? O maraming Kontrabida na eeksena?